Kaisipan: Talaarawan

Masubukang magsulat sa aking unang wika.

Kamusta ang linggong ito?
Mabuti naman bilang kabuuan. May ilang parte ng mga araw na hindi nabuo nang naayon sa mga pinaplano ko sana, pero mabuti naman.

(Ang hirap pala nito) 

Iisipin mong madali lang magsulat sa Filipino, dahil ginagamit mo ito lagi, pero hindi, mahirap din. 

Madali lang naman. Ang hirap lang ipaliwanag ng ibang mga bagay, na mas nasanay ka nang ipahayag sa Ingles. Minsan, may ibang bagay or salita na sa Ingles ko lang naipapahayag. Aminado ako. Oo, parang mas ginagamit ko ang Ingles ngayon kesa sa Filipino. Dala ng trabaho, makabagong kultura na rin siguro, social media at iba pa.

Kung iisipin, hindi naman dapat kalimutan ang isang parte ng kultura para sa panibagong parte ng isang makabago at mas napapanahon na kultura. 

Patuloy mo bang kakalimutan ang wikang Filipino para sa Ingles, dahil mas ginagamit mo ito?

(okay okay, basta mahalaga pareho para sa akin dahil pareho silang nakakatulong sa kanilang sariling mga paraan at wala ko balak kalimutan ang dalawang wika na ito)

O edi anong plano mo?

Tulad ng dati. Mag-hintay.

Pag dumating, umasang sa panahon na iyon ay mas handa na para sa mas malalaking bagay sa buhay

Eh ano bang hinihintay mo?

Ang tamang panahon, ang tamang tao.

Kailan ang tamang panahon? at sino ang tamang tao?

Hindi ko alam kung kailan. Puwedeng ngayong na talaga iyon. At kung sino, mas lalong hindi ko alam.

Wag mong isipin na may tamang panahon. Ngayon na ang tamang panahon. Hindi darating ang ideya mo ng tamang panahon dahil sa isip mo ito'y isang malayong oras, na laging malayo kahit araw araw lumalapit ang mga oras at minuto.
At kung kaya mo, wag mong isipin na may tamang tao. Isipin mo na, pantay pantay lang lahat. Tao lang lahat. May pagkakaiba iba, may pagkakapare-pareho. Pag may nakilala kang nakakausap mo at komportable ka at sang ayon ang inyong mga prinsipyo at tuntunin.. 

(hindi ko na alam)

Isa sa pinaka-nasiyahan akong pag-uusap ngayong linggo na ito ay mula sa isang kaibigan:
(na itatagalog ko na din dahil ang orihinal nito ay halo halo sa Ingles at Filipino)

"Walang perpekto. Ang lahat ay tungkol sa pagtanggap lamang. at panatilihing laging bukas ang isipan"

Salamat kaibigan

Comments

Popular posts from this blog

The Culture Code by Daniel Coyle (2018)

what ever happens, I'm happy now.

In the Mood for Love (2000 - Hong Kong)